Anne Curtis mas mura ang TF kaysa kay Sarah Geronimo kaya mas maraming endorsements

FOR SURE, tahimik na lang ngayon si Sarah Geronimo, maging ang kampo ng sikat na singer-actress, sa isyung si Anne Curtis na raw ang bagong “Commercial Queen”.

Kasi naman, sabi pa ng aming informant, bakit naman daw kailangang ma-insecure ni Sarah gayung may panahon naman na nag-reyna talaga siya sa paggawa ng iba’t-ibang commercials?

At sa ngayon, kaliwa’t-kanan pa rin naman ang ume-ere nitong TVC.

Pagdating naman sa talent fees ng dalawa, rito talung-talo ni Sarah si Anne dahil ang Pop Star Princess ay naglalaro sa P5 million to P8 million ang bayad per commercial samantalang si Anne ay fixed na sa TF na P4 million bawat commercial na gawin ng actress/TV host.

So, mali ‘yung press release ng kampo ni Ms. Curtis na ito na raw ang highest paid na celebrity endorser sa ngayon.

Excuse me! buhay pa po sina Kris Aquino at Sharon Cuneta, ang dalawa ang siyang may pinakamataas na bayad pagdating sa endorsements, no?

Kundi kami nagkakamali, nasa parehong P10 million ang asking price ng Megastar at Queen of All Media. Dat’s very accurate gyud!

***

Sabado rewind ng Be Careful With My Heart hit na hit sa televiewers

SUPER taas ang naitalang rating ng unang araw na pagpapalabas ng Sabado Rewind ng No.1 kilig serye sa daytime na Be Careful with My Heart na nagsimula last Saturday.

No wonder, masyadong overwhelmed ang buong casts sa pangunguna nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap aka Papa Chen dahil sa kahit anong araw sila umere ay sinusundan at sinusubaybayan talaga ng kanilang mga manonood.

Patunay lang na naghahari talaga sila sa kanilang time-slot kaya aabutin pa hanggang sa susunod na taon ang airing.

Samatala, bukod sa Sabado Rewind na handog ng ABS-CBN sa lahat ng mga Kapamilyang busy sa kani-kanilang mga trabaho.

Isa pang special treat ang handog ng show para sa kanilang fans na mas nai-in-love sa kuwento ni Maya (Jodi) at ng kanyang Sir Chief (Papa Chen) dahil sa musikang ipinatutugtog sa bawat episode.

This month ay iri-release na ang 9-track official soundtrack album ng nasabing kilig serye. At ayon pa kay Richard, espesyal ang album hindi lang para sa kanilang fans kundi maging para rin sa kanila mismo ni Jodi, “Pareho, lang kami ni Jodi na mahilig sa music at kumanta, pero hindi naman naging ambisyon na maging recording artist,” sabi pa ni Richard na mas kilala ngayon nang nakararami bilang Papa Chen.

Dagdag pa nito, “Special ito sa amin dahil bukod sa unang album namin ito, pinagsikapan talaga namin na maging maganda ang kalalabasan nito dahil gusto namin na ‘pag binili ng tao magiging masaya rin sila.”

Very thankful naman si Jodi sa management ng ABS-CBN sa pag-grant ng mga ito na magkaroon sila ng replay every Saturdays “Ngayon lang po ito nangyari na may replay ang isang programa tuwing Sabado. Para po ito sa mga tao na hindi po nakapanonood ng soap namin every morning dahil po sa busy sila sa kanilang mga work at eskuwela.

Mapapanood ang sikat na teleserye Lunes hanggang Biyernes tuwing 10:45 AM pagkatapos ng Top-rating Koreanovela na Two Wives at ang Saturday Rewind naman nito ay umi-ere ng 10:30 ng umaga sa Kapamilya network.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply