Ano ang tulong ng PNP kay C/Insp. Marissa Salgo ng MPD

SINO si C/Insp. Marissa Salgo?

‘Yan ang tanong ng ating uzi makaraang makitang buong puso itong tinutulungan ng ULTIMATUM sa kanyang karamdaman.

PULIS MAYNILA

Si C/Insp. Salgo ay kasalukuyang naka-destino sa Manila Police District Station-11 bilang Deputy Commander ng magaling na hepe na si S/Supt. Ferdinand Quirante.

KIDNEY TRANSPLANT

Si C/Insp. Salgo ay isang kidney transplant patient na kung hindi dahil sa ULTIMATUM ay hindi ito maooperahan noong Agosto 1, 2011 sa National Kidney and Transplant Institute.

Tagumpay ang operasyon kung saan muling nadugtungan ang buhay ng isang magaling na policewoman.

MPD-STATION 11

Dahil sa dedikasyon sa serbisyo ay pinili ni C/Insp. Salgo na magtrabaho na kahit na wala pang isang taon ang kanyang bagong kidney.

Sa station 11 nadestino si Salgo at kung saan wala pang isang buwan ay isang malaking accomplishment na ang nagawa nito noong Hulyo 31, 2012 nang mapatay ang isang Chinese national na babae sa panulukan ng Lavezares St. at Muelle de Binondo at mahuli ang pumatay wala pang 24 oras.

Hindi na umabot ng 2 araw ay ospital na kaagad ang binagsakan ni Salgo dahil nagkaproblema na naman ang kanyang kidney. Sa madaling salita dahil sa trabaho nagkasakit na naman ang magiting na policewoman.

TULONG NG ULTIMATUM

Muli ay nangalap tayo ng tulong para maipagamot si Salgo na umabot ng P200,000 pero kulang pa.

Kasalukuyan ay dina-dialysis si Salgo at naka-confine sa NKTI.

NASAAN ANG TULONG NG PULIS

Bilang hepe ng MPD-Stn. 11 ay ipinagbigay-alam natin kay Supt. Quirante ang pangyayari.

Sumagot naman ito na tutulungan si Salgo para man lang maisalba ang nanganganib nitong buhay.

May dalawang buwan na po nang makausap natin itong si Quirante. Pero hanggang sa kasalukuyan ay para bang bulang naglaho ang kanyang ipinangako.

HEPENG INUTIL

Wala ka bang puso’t damdamin Supt. Quirante?

Nangangailangan ang iyong tauhan pero hala sige ka nang pagpapasasa d’yan sa iyong puwesto?

Tsk!Tsk!Tsk! Hindi kataka-takang darating ang araw ay mismong tauhan mo ang maglalaglag sa’yo dahil sa iyong pagiging inutil. PERIOD!

NAGLULUKSA ANG NPC

Yumao na po ang maituturing na isa sa mga haligi ng Philippine media na si NPC Lifetime Member Jun “Bote” Bautista of GMA 7.

Kasama po siya ng inyong lingkod noong beat reporter pa lang tayo sa Senado.

Siya po ang nagsilbing kuya at ama ng mga reporter sa Senado hanggang sa kanyang huling hininga.

“SUPLADO” kung kakausapin pero “MALALIM” kung kikilatisin.

YAN SI KUYA JUN BOTE!
HANGGANG SA SUSUNOD NA PAGKIKITA!
WE LOVE YOU, KUYA BOTE!

ANG SUPERBAGYO

HINDI biro-biro, mga Bro, ang bagyong Lawin.

Napakalakas ito dahil umaabot sa 240 kilometro ang bugso ng hangin nito sa gitna habang mahigit 100 kilometro naman ang katamtamang bilis ng hangin nito sa labas ng pusod nito.

Ang magandang balita lang ay hindi nito gaanong tatamaan ang buong Pinas at sa Cagayan Valley at Batanes lang ito magkokon-centrate.

Pero dahil sa lakas ng bagyo, mayroon nang babala na kung saan idedeklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, wala nang dapat magpapalaot. Kahit ang mga barko ay bawal na ring maglayag sa mga lugar na ito.

PAGASA PAKINGGAN

Sa pagkakataong ito, dapat na maging listo ang lahat.

Ang mamamayan ay dapat na makinig sa mga balita at babalang ilalabas tuwi-tuwina ng PAGASA.

Lalo sinasabi ng ahensya na may kasamang malalakas na ulan ang bagyong Lawin.

Ibig sabihin niyan, kung hindi wawasakin ng bagyo ang mga bahay, pananim at iba pang nakatayo sa kanyang daraanan, dadaanan ang mga ‘yan ng bagyo.

NDRRMC SUNDIN

Dapat na makinig din ang lahat sa babala at payo ng National Disaster Risk Reduction Management Council, lokal na pamahalaan at iba pang awtoridad.

Ito ang mga ahensiya ng gobyerno na nakaaalam kung nasaan ang mga ligtas na lugar.
Alam ng mga ito ang lugar na hindi binabaha at walang landslide.

Alam din nila ang mga lugar na hindi aabutin ng mga tsunami na maaaring likhain ng superbagyong Lawin.

Ang kaligtasan ng tao mula sa kamatayan at disgrasya ang pinakamahalaga sa mga oras na ito.

Hindi baleng makaranas tayo ng hirap, kabilang na ang gutom, basta maligtas tayo sa kamatayan at iba pang kapahamakan.

MAGHANDA SA KALAMIDAD

Siyempre pa, mga Bro, matindi ang ibubunga ng bagyong ito.

Magtatagal umano ang bagyo at pag-ulan hanggang araw ng Linggo.

Diyan magkakaroon ng gutom lalo na sa parte ng mga mandaragat na hindi makapalaot. Lilimasin din ng baha ang mga fishpond, ang mga babuyan at manukan.

Kaya ang lahat ng mga nabubuhay rito ay hindi lang makararanas ng gutom. Mawawalan din sila ng kapital.

Paano ang mga magkakasakit? Paano ang iba pang mawawalan ng hanapbuhay. Paano ang mga ililikas mula sa mga delikadong lugar at itatambak sa mga evacuation center?

DSWD, maghanda na!

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply