Anti-crime group sa barangays sa QC oks kay Bistek

PINABORAN ni Quezon City Mayor Herbet Bautista ang panukala ng ilang komunidad sa lungsod  na bumuo ng Anti-Crime Group upang makatulong sa mga awtioridad sa kampanya laban sa lumolobong kaso ng krimen lungsod.

Ayon kay Mayor Bautista, wala siyang nakikitang mali kung may mga residente ng QC na gagawa ng nasabing anti-crime group basta’t sumusunod sa alituntunin ng batas.

Mas mainam aniya ito dahil sila mismo ang magtutulungan upang bantayan ang kanilang lugar laban sa masasamang loob, bukod pa sa madali nilang matutukoy o makikilala ang mga taong pumapasok sa kanilang lugar dahil sila mismo ang nagbabantay sa kanilang komunidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply