Anti, pro RH bill muling magtatagpo sa plenaryo

MULI na namang iinit ang debate sa plenaryo kapag muling naisalang ang kontrobersyal na Reproductive health (RH) bill.

Kasunod ito ng pagtanggi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philipines (CBCP) na makiisa sa Technical Working Group na binuo para plantsahin ang gusot sa pagitan ng pro at anti-RH bill.

Ipinaliwanag ni House Majority Leader Neptali Gonzales na mas magiging madali sana ang proseso kung nakikipagkasundo lamang diumano ang mga anti-RH bill para sa pinalabnaw na bersyon ng panukala.

Ang patuloy aniyang banggaan ng magkabilang panig ang dahilan kung bakit patuloy na nakukwestyon ang korum upang lalo pang patagalin ang deliberasyon dito.

Nakikiusap si Gonzales sa mga Pro-RH na kung may gustong marating ang nasabing panukala ay mabuting maging masipag umano ang mga ito na dumalo ng sesyon para masiguro ang quorum.

Kailangan na umanong magpakita ang mga ito sa plenaryo para pisikal na suportahan ang kanilang bill sa halip na puro salita lamang.

Inamin naman ni Gonzales na mas magiging mahirap ilusot ang RH bill habang papalapit ang eleksyon dahil para sa ilang kongresista ay nakasalalay dito hindi lamang ang kanilang religious belief kundi maging ang political survival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply