Anti-trafficking group ng DOJ, high-tech na rin

BUMUO ng isang bagong social media site ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mas mabilis na monitoring at pagdulog ng mga reklamo.

Ayon kay Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar, hepe ng IACAT, ang nasabing bagong public assistance site ay naglalayong matulungan at maging mas accesible sila hindi lamang sa mga pinoy na nasa bansa kundi maging sa nasa ibayong dagat.

Umaasa naman ang iacat na sa pamamagitan nito ay mas magiging epektibo ang kanilang paglaban sa mga human trafficking syndicates.

Para ma-access ang  public assistance site ngInter-Agency Council Against Trafficking ay maaaring pumunta sa kanilang official website na www.iacat.net at i-click lamang ang Public Assistance Corner.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply