Apl de Ap, Anne Curtis, Gerald Anderson, ambassadors ng ‘I am for peace’

GAGAWA ng Facebook at Twitter account  ang Filipino-american rapper  ng sikat na grupong Black Eyes Peas na si Allan Pineda Lindo, Jr. o mas kilala bilang Apl De. Ap. para sa mga Fil-Am sa Estados Unidos para maisulong ang I am for Peace campaign ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa isang panayam, matapos ang paglulunsad ng I am for Peace campaign sa Malakanyang ay sinabi nito na ang kanyang gagawing Facebook at Twitter account ay kakatawan sa kanilang 18 ambassadors ng bansa para sa I am for Peace campaign.

Bukod kay Apl. De Ap ay ambassadors din ng kampanya ang magaling na aktres na si Anne Curtis at ang aktor na si Gerald Anderson.

“Well, definitely I wanna spread the awareness especially the Fil-Ams in the US and educate them on what is going on in the Philippines and the social issues. And also through a, you know, we’re coming up with the ideas of creating a Facebook account and it’s just strictly for “I am Peace” and also through Twitter,” anito sabay sabing “definitely it’s gonna be all of us involved together in that one Facebook account.”

Naniniwala si Apl. De Ap na maisdaling mahihikayat ang mga kabataan na makiisa sa kampanyang ito sa pamamagitan ng tamang pag-edukasyon at teknolohiya sa kanila ukol sa nasabing kampanya.

“I think, will bring peace throughout the Philippines because that’s what we need. Most of our problem is people do not have opportunity so they, you know, rebel and stuff like that,” anito.

Sinabi pa rin niya na bagama’t hindi naman niya naranasan ng personal ang pag-atake ng NPA ay palagi naman niya itong naririnig noong kanyang kabataan at nakatira pa sila sa lalawigan ng Pampanga.

“You know, I think, all of us coming together and educating each other, the main thing is bringing opportunity. I think, when people get restless, you know, they tend to do negative things so I think, that’s why it’s so important for me to—that’s why I build classrooms throughout the Philippines ’cause I think that’s what’s needed in educating the youth,” ani Apl De Ap.

Gagamitin din niya ang kanyang musika para iparating sa mga kabataan ang kanilang mga hakbangin para isulong ang Iam for Peace campaign.

“And, of course, through my music, definitely. And that’s one of the ideas of I have as being a peace of ambassador is, I think, we need visitations and, you know, perform in front of these kids, or visiting places and just, you know, laughter and music,” ang pahayag ni Apl De Ap.

Pananatilihin naman ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang pagiging “good example”  sa mga kabataan para  sa kampanyang ito.

Gagamitin din ni Anne Curtis ang kanyang mga followers para sa bagay na ito.

“The best way that I can probably promote the peace process is by being a good example by using means of what I have, where I stand in my career might be social media, on TV, how I behave even when I’m not in front of the camera. I think that’s the best way I can set an example and hopefully reach out to my followers,” anito.

Libre, walang talent fee na tinanggap bilang kapalit ng pagtayo nila bilang isa sa 18 ambassadors ng I am for Peace.

“None, none whatsoever po. It is a peace process so me, I believe that I don’t think any of us ‘cause it has to come from your heart. The one thing when I spoke to my dad about it is that it really starts from one person, it starts from yourself and hopefully it becomes a domino effect and, [-inaudible-] reaction. So I think it has to be a personal conviction to yourself,” ani Anne Curtis.

Wala namang ideya ang aktres kung nararapat pa silang magpunta ng Mindanao para i-promote ang nasabing kampanya.

“Who knows what can happen in the future but as she said earlier, the advisers, they said earlier that the social awareness has to come where we are now ‘cause it’s the place… Manila is one of the places that has the least knowledge of how to start a peace campaign, of how to have a peace process. So, hopefully, we’ll be able to start first in Manila, the peace education programs to give more knowledge here ‘cause it starts from here and this is where we have least knowledge kasi in the conflicted areas I believe they are fully aware and maybe one day I’ll be able to do so,” ani Anne Curtis.

GAGAMITIN naman ng actor na si Gerald Anderson ang kanyang kasikatan para i-promote ang kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng kanyang mga gagawing proyekto kung saan ay isasama nya ang naturang kampanya.

Nais ni Anderson na puntahan ang mga lugar na hindi napupuntahan ng ibang tao.

“Well, sinabi rin ho nila sa akin na sana as much as possible pwede din ho naming i-promote through Facebook and Twitter e wala akong Facebook and Twitter. Ni-request ko <na> sana ho makapunta ako sa mga places na medyo hindi rin ho pinupuntahan ng iba para rin makita ng ibang tao na, hey, kung kaya din ng isang artista o isang tao sana magtulungan tayo para makatulong din tayo, para sa kapayapaan nating lahat,” aniya pa rin.

Partikular na gusting puntahan ni Anderson ang conflict-affected areas katulad ng  Minadanao.

“Oo nama. Actually, noong nag-sit down ako kasama sila, ‘yon ‘yung una kong sinabi na sana magkaroon ako ng pagkakataon para makapunta sa mga ganoong klaseng <lugar>. Ako kasi lumaki ako sa GenSan sa Mindanao and naranasan ko rin ho ‘yung bomb threats, ‘yung bombing mismo na five steps away sa eskwelahan ko narinig namin. So at nakita ko at naramdaman ko rin ho ‘yung takot, ‘yung fear ng mga tao doon, at six years later nandito ako in a position para makatulong sa iba,” ang pahayag ng actor.

Sinabi ni Anderson na wala rin siyang talent fee sa pagiging ambassador ng Iam for Peace.

“Malaki. Hindi, hindi, wala ho. It’s our freewill. Tinanong nila ako kung gusto naming sumali, umoo agad ako,” aniya pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply