Apo ni Ampatuan Sr., haharap sa arraignment bukas

NAKATAKDANG basahan ng sakdal ang apo ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa Quezon City Regional Trial Court, bukas (Setyembre 05).

Kasong 57 counts of murder ang kinakaharap ng akusado na si Sajid Anwar alyas Datu Ulo Ampatuan kaugnay sa naganap na Nobyembre 23, 2009 Maguindanao massacre.

Nabatid na alas-9:00 ng umaga magsisimula ang arraignment ng nakababatang Ampatuan sa sala ni Quezon City RTC Branch 112 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Samantala, nakatakda ring basahan ng sakdal ang isa pang akusado na si PO1 Michael Madsig ng 1508th Provincial Police Mobile Group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply