PNoy, Pres. Hu Jintao, maghaharap sa bilateral meeting

SA WAKAS ay maghaharap na rin sina Pangulong Benigno Aquino III at Chinese Pres. Hu Jintao sa Vladivostok, Russia sa pamamagitan ng isang bilateral meeting.

Sa katunayan, ayon kay  Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, ay naisapinal na ang format ng meeting ng dalawang lider kung saan ay pinag-uusapan pa ang eksaktong petsa at oras ng meeting.

Sinabi nito na malaki ang posibilidad na ngayon (Setyembre 9) ay maghaharap sina Pangulong Aquino at Hu bago bumalik ng Pilipinas ang Chief Executive.

Aniya, isisingit lamang ang meeting sa naunang schedule ni Pangulong Aquino dahil malabong magkakaroon ng extension ang pananatili ng Punong Ehekutibo sa Russia.

Tinuran pa rin ng Kalihim na hindi maiiwasan ang usapin ng West Philippine Sea sa pag-uusapan nina Pangulong Aquino at Pres. Hu.

“The format has been finalized, just waiting for the final date and time. Yes it will take place,” ayon kay Sec. Del Rosario.

Nauna  rito, nagkaroon ng bilateral meeting ang Pangulong Aquino kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loon  at Chilean Pres. Sebastian Pinera.

Inaasahan naman na ang magiging meeting ng Pangulong Aquino sa mga pinuno ng Vietnam at Malaysia.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply