Aquino wagi vs korapsyon

UMANI na naman ng tagumpay ang  administrasyong Aquino mata-pos tumaas ang rating ng pamahalaan sa larangan ng kampanya nito laban sa korapsyon sa bansa.

Mula kasi sa paunang resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS), naitala ang pinakamalaking pag-angat ng sinseridad na labanan ang korapsyon sa Office of the President na pumalo sa Excellent +81 mula sa Bad -37 noong taong 2009.

Patunay na sa pangunguna ni Pangulong Noynoy Aquino ay patuloy na bumabalik ang tiwala ng publiko maging ng pribadong sektor sa pamahalaan  na nangangahulugan lamang na tinatahak na natin ang tuwid na daan.

Nakalap ang naturang survey mula sa executives ng may 826 kompanya sa bansa na nakapanayam noong July 16 hanggang September 24, 2012 ng SWS. Nagsimula ang naturang survey noong taong 2000 na mula sa record ng SWS, napag-alaman na ang kasalukuyang kalalabas lang na resulta ang siyang may pinakama-laking sample size at may pinakamalawak na area coverage sa sampung serye ng survey na kanilang isinagawa.

Ayon pa sa survey, sumunod sa pag-angat ang Department of Health na mula sa Good +37 noong 2009 ay umaakyat sa Very Good +60 ngayong taon kasabay ng Department of Trade and Industry na pumalo ang ratings sa +59 ngayong 2012 mula sa +38 noong 2009.

Samantala, kabilang naman ang Department of Education, Senado at Office of the Ombudsman sa mga ahensyang umakyat mula Neutral patungong Good sa larangan ng paglaban sa korapsyon.

Sinabi rin ng mga pinuno ng mga kompanya sa bansa na kung ikukumpara sa nakaraang administrasyon ay 71% sa mga ito ang nagsabing mas mababa ang level ng korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.

Magandang pangitain na halos lahat ng ahensya ng pamahalaan ay nakakitaan ng sinseridad na labanan ang korapsyon ayon na rin sa kabuuang ulat ng SWS na kung susuriin ay record breaking talaga ang PNoy administration.

Talagang mahirap puksain ang isang nakagawiang baluktot na kasanayan tulad ng korapsyon, ngunit, hangga’t may pinunong naninindigan at magtutuwid ng kabaluktutan sa pamahalaan, buo ang pag-asa nating mga Filipino na maitataguyod tayo ng pamahalaan.

Ang survey na ginamit na basehan ng column na ito ay tinawag na The 2012 Survey of En-terprises on Corruption na su-portado ng Australian Agency for International Development sa pamamagitan ng The Asia Foun-dation, at sa pakikipagtulungan ng Makati Business Club’s Integrity Initiative Program at ng the National Competetive Council.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply