Armored van tumagilid, 3 sugatan

SUGATAN ang tatlo katao makaraang tumagilid ang isang  armored van sa kanto ng Mindanao Avenue at Congressional Avenue sa Quezon City.

Ayon sa salaysay ng  driver ng armored van (RCY 152) na si Juanito Balagan, iniwasan niya ang isang sasakyan kung kaya  isinampa na lamang niya ang kanyang minamanehong sasakyan sa  gutter  na nagging sanhi ng pagtagilid nito.

Dahil sa pag-iwas, nahagip ng armored van ang  isang motorsiklo na may tatlong sakay na agad isinugod sa ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply