Arrest warrants vs mediamen, di ihahain ng Biyernes-Linggo – NCRPO chief

ISA sa unang direktiba ng bagong hepe ng Metro Manila police nang pormal itong umupo sa kanyang posisyon nitong nakaraang Biyernes ay ang pagmamalasakit nito sa media.

Sa ginanap na command turnover ceremonies sa National Capital Region Police Office headquarters sa Taguig City, sinabihan ni Chief Supt. Leonardo Espina ang kanyang mga tauhan na huwag isilbi arrest warrants sa mga journalists na inakusahan ng kasong libelo ng araw ng Biyernes hanggang Linggo.

“As my first act here as your regional director, I’d like to direct and remind all my people in the NCRPO not to serve warrants of arrest for libel against any media personality from Friday afternoon until Sunday,” pahayag ni Espina sa talumpati nito.

“Give our friends from the media a chance to post bail.

This is just libel. Just work, nothing personal,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag ni Espina na sa mga unang panahon ng kanyang paninilbihan bilang isang alagad ng batas, naririnig niya ang mga police officers na nagsisilbi ng  warrants tuwing weekends, na walang nagagawa ang isang akusadong mediaman na palipasin ang oras at araw sa loob ng kulungan hanggang sa magbukas ang korte sa susunod na linggo o sa unang araw ng linggo.

Inilarawan niya ang ganung aksyon sa parte ng arresting officers na “abusive.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply