Arsobispo kay Mar: Katiwalian sa local government sugpuin

UMAPELA ang isang Catholic archbishop kay newly-appointed Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na gawing prayoridad ang pagsugpo ng katiwalian sa mga lokal na pamahalaan sa bansa, gayundin ang jueteng.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, ang naturang trabaho ay tiyak na malaking hamon para kay Roxas.

Naniniwala si Cruz na mahihirapan si Roxas na isagawa ang mga naturang trabaho lalo na’t inaasahang magiging kandidato siya sa pagka-pangulo sa susunod na presidential elections.

Nanawagan naman ang arsobispo sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Roxas na patunayang kaya niyang pamunuan at pamahalaan ang DILG.

Kumbinsido rin si Cruz na si Roxas ay magiging ‘good substitute’ ng yumaong si Jesse Robredo.

“I think so, yes, na there is the impression that he would make a good substitute to take the place of former secretary Jesse Robredo,” dagdag pa ng arsobispo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply