Artist sketch ng tumangay sa beybi sa QC hospital inilabas

UPANG mapag-ingat ang publiko, ipinalabas na kaninang umaga (Setyembre 6) ng Quezon City Police District (QCPD) ang artist sketch ng babaeng tumangay sa isang kapapanganak na sanggol sa Sta. Teresita General Hospital sa Quezon City nitong nakaraang Martes lamang.

Inilarawan ng biktimang si Ces de los Santos, ang tumangay sa kanyang sanggol na may 5”5’ at nasa 35 hanggang 40 anyos, bilugan ang mukha, hanggang balikat ang buhok at medyo may katabaan ang pangangatawan.

Ang anak ni De los Santos na si Sean Gabriel, ay kinidnap mula sa Sta. Teresita General Hospital tatlong araw pa lamang mula nang isilang niya ito.

“Sana ibalik niya ang anak ko. Hindi hayop ang anak ko, tao ‘yun. Huwag nilang gawing hanapbuhay,” pahayag ni De los Santos.
Sinisisi naman ni Delos Santos ang seguridad sa naturang ospital kaya sinibak naman agad ang security agency na nagbabantay sa pagamutan.

“’Yung security guard natin, dapat may log-in doon kahit pa sabihin mong doctor,” pahayag naman ni Sr. Insp. Rowena Lambojo ng women’s and Children’s Desk ng QCPD.

Kaugnay nito, mayroon ding kaso ng iba pang sanggol na kinidnap na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas.

Ang anak ni Jennifer Francisco na si Alex, ay kinidnap nitong nakaraang Disyembre ng isang babeng nag-alok ng libreng medical check-up.

Ganun din ang nangyari kay Mary Jane Abes na noong nakaraang Abril naman ay natangayan din ng anak.

Ayon kay Abes, pinahiram siya ng pera ng isang babae para makapag-grocery ngunit itinakbo ng natrang babae ang kanyang anak na si Baby Russel.

Nauunawaan naman ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagkadismaya ng mga biktima pero umapela na huwag mawalan ng pagasa.

Pinag-aaralan naman ng awtoridad kung may koneksyon ang tatlong pagdukot sa sanggol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply