Asawa ng convicted bigtime drug lord dinukot sa Bilibid

KINUMPIRMA ng PNP Anti-Kidnapping Group commander S/Supt. Renato Gumban na ang panibagong biktima ng pagdukot sa New Bilibid Prison (NBP) ay asawa ng convicted bigtime drug lord.

Sa imbestigasyon, lumalabas na talamak umano ang insidenteng pagdukot sa loob ng NBP at isa ito ngayon sa kanilang tinututukan para mabatid kung sino ang mga nasa likod ng operasyon.

Nabatid na nitong taon lamang limang kaso ng pagdukot ang naiulat sa Bilibid bago pa ang insidenteng pagdukot sa high profile criminal na si Rolito Go.

Iba-iba umano ang kaso ng pagdukot at hindi parehas ang paghingi ng ransom sa kanilang mga biktima.

Ayaw naman munang magbigay ng pagkakilanlan ang mga awtoridad.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply