ASG na sangkot sa KFR sa Zambo, arestado

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang isang kasapi ng Abu Sayyaf na sangkot sa mga kidnapping for ransom operation sa Zamboanga City.

Ayon kay PNP-CIDG Chief Director Samuel Pagdilao, naaresto ang suspek na si Abu Bandam aka Bayaw sa tulong ng Armed Forces of the Philippine sa kahabaan ng national highway sakop ng  Barangay Recodo, West Coast bandang alas 7:00 Miyerkules ng gabi.

Nabatid na si Bandam ay wanted  dahil sa pagkakasangkot sa mga kasong kidnapping with serious illegal detention sa mga mangagawa ng Golden Harvest Plantation sa  Barangay Tairan, Lantawan, Basilan.

Naaresto si Bandam sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Leo Jay Prinsipe ng Basilan Regional Trial Court, mula sa Branch 2 ng 9th Judicial Region sa syudad ng Isabela sa probinsya ng Basilan.

Nasa kustodiya na ang suspek ng Criminal Investigation and Detective Mangement Group (CIDG-9).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply