‘Assistance with Dignity’ philosophy ni Mayor Del

“Give me a fish, I eat for a day. Teach me how to fish, I eat for a lifetime.”

Ang quote na ito ang guiding principle ni Mayor Del R. De Guzman sa kanyang programa sa social welfare at livelihood sa Marikina.

“May ginagawa kaming profiling sa bawat lumalapit sa amin ng tulong para malaman namin kung paano sila higit na matutulungan sa mas tamang paraan. At monitored lahat yan para walang pag-aabuso,” paliwanag ni Mayor.

“We do not want to encourage a culture of mendicancy among Marikenyos kaya inaalam namin kung paano sila magiging self-reliant at productive. Minsan kasi maaaring matanda ka na at di na makakatrabaho pero baka meron kang anak o apo na pwede naming tulungan na maging productive para naman merong may income sa bahay ninyo,” dagdag pa niya.

Maraming paraan ang Marikina para tulungan ang mga nangangailangang residente nito. Minsan lang ang pantawid gutom — tapos tutulungan ka na nilang kumayod.

May Livelihood Training Center ang Marikina na pinamumunuan ni Nenette Muriel kung saan tinuturuan sila kung papaano gumawa ng mga bagay na pwede nila ibenta o kung papaano kumita sa services industry.

Andyan din ang Center for Excellence (Centex) ni Training Director Julie Borje na may mga programa na tumutugon sa dagdag pang kaalaman para mas lumaki ang chansa nilang matanggap sa trabaho.

May vocational courses din ang Marikina Polytechnic College at murang mura naman ang tuition fee sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) na pinamumunuan ni Dr. Nilo Rosas na dating Usec ng DepEd.

Madalas din ang job fairs ni Gil Munar ng LRPESO para madali nang mag-apply at matanggap sa trabaho ang mga Marikenyo.

May iba pang sangay ng city hall na kumukuha ng mga manpower requirements nila mula sa mga qualified residents ng Marikina. Marami sa mga volunteers ang tumatanggap ng allowance para naman may kinikita sila kahit papaano habang naghahanap ng trabaho.

Ang iba naman ay pinapasok sa Bantay Bayan, atbp. para may marangal silang pinagkakakitaan habang wala pang permanenteng trabaho.

May mga “cash for work” at “food for community service” programs pa ang Marikina.

Kaya yung mga nakikita ninyong nakapila sa city hall … mga pantawid gutom na talaga yan. Ika nga ni mayor, wala namang magpapakahirap na pumila diyan para sa kaunting tulong mula sa City Social Welfare and Development Office ni Rodie Domingo kung di nila talaga kailangan. Hirap lang talaga ang mga yan at marahil marami diyan ang linulunok na lang ang kanilang pride dahil talagang kapos pero determinadong makahanap din ng trabaho.

Walang dole-out. Sa Marikina, tutulungan ka pero kailangan tulungan mo rin ang sarili mo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply