Ate Guy tumatanaw ng utang na loob kay Mang Dolphy

SOBRANG successful naman pala ang alay tawa para kay Mang Pidol na inihandog sa kanya ng kanyang mga kaibigang artista.

Maaga palang ay dumating na sa nasabing event ang superstar na si Nora Aunor doon lang namin nalamang pagtanaw pala ng utang na loob ang ang ginawang ito ng superstar.

Iilan lamang sa mga taga showbiz pala, bukod kay Zsa-Zsa Padilla, ang nakaaalam sa scenario na ito na natatawagan pala noon ni Mama Guy si Mang Dolphy kapag siya ay nagigipit.

Ayon pa sa aktres, hindi raw siya nabibigo sa tuwing lumalapit tungkol sa kanyang mga financial problems kay Mang Dolphy kaya naman hindi niya pinalagpas ang nasabing event na inialay sa sikat na comedian ng kanyang mga fans at mga kapwa artistang gaya nina Sharon cuneta, diamond star maricel Soriano at marami pang iba.

Buong puso na natunghayan namin ang kaligayahan ng mga naiwang pamilya at mga anak ni Mang Dolphy na sina Vandolph Quizon, Eric Quizon, Rolly, Epi at marami pang iba.

Bukod tanging ang star for all seasons na si ate Vi ang hindi nakarating sa nasabing pagtatanghal kaya tuloy hindi naiwasan ang mga tanong na hindi kaya type ni Governor Vi na magkita sila at magkausap ni Ate Guy?

Noon pa kasi nagpasabi na itong si Governor Vi na dadalo ito at hindi niya palalampasin ang nasabing event na alay tawa para kay mang Pidol.

Mas maganda sana kung dumating pa rin si Governor Vi dahil kung buhay pa si Mang Dolphy ngayon, mas nanaisin nito na maging lubos lubos ang kasiyahan ng kanyang mga fans lalo na’t kung kumpleto ang kanyang naturingang mga kaibigan katulad ni Ate Vi.

Teka lang, bakit kaya hindi talaga nakarating si Ate Vi? (Napagod nang husto sa special award sa Malacanang that same day kaya di na nakadalo, amiga. – Ed) Hanggang ngayon ay hindi pa nagpapasabi at nagbibigay ng dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa naturang okasyon.

***

SA isang exclusive school nag-aaral ang baguhang indie film actor at nagpapasexy sa pelikula na si Norris John.

May special screening ngayon sa dalawang sinehan (Remar sa cubao at sa Starmall sa alabang) ang pelikulang Binatilyo na pinangungunahan nito.

Sobrang natuwa ang mga nakapanood na nabanggit na pelikula dahil sa tatlong beses palang dumungaw ang nota ng young actor sa naturang pelikula.

Tampok rin dito sina Jao Mapa at mga baguhang sexy stars na sina Lorraine Lopez at Lily Montelibano.

Sa mga nagtatanong kung nagkaroon ba ng kissing scene si Norris John at Jao Mapa, isang malutong na halakhak lamang ang naging tugon sa amin ng talent manager na si Boy Pilapil.

Hanggang ngayon pinipilahan pa rin sa mga nabanggit na mga sinehan (Starmall at Remar) ang Binatilyo at karamihan sa mga pumipila rito ay mga kapatid nating baklushi.

Kaya roon sa mga hindi pa nakapanonood, subukin n’yong tunghayan ito at siguradong mag-eenjoy kayo dahil daks pala ang nota nitong si Norris John.

Ewan ko lang kung hindi ba matatanggal sa pinapasukan niyang exclusive skul ang young actor dahil sa balita namin, kinausap na raw ito at ang kanyang mga parents para pagbawalan na gumawa ng mga pelikulang may bed scenes o pakikipag-chukchakan sa kapwa niya lalaki sa isang movie.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply