Ateneo, UST may tatapusin

KAHIT anong mangyari paniguradong maglalaro pa sa susunod na game ang defending champion Ateneo Blue Eagles at University of Sto. Tomas Growling Tigers.

Ito’y dahil sukbit nila ang twice-to-beat advantage sa semifinals ng nagaganap na 75th season ng UAAP men’s basketball tournament .

Ngayong alas dose ng tanghali ang unang sultada kung saan ay makakaharap ng España-based UST ang No. 3 at host National University Bulldogs habang ang Blue Eagles ay kabanggaan ng katawan ang mahigpit na karibal na No. 4 De La Salle University Green Archers sa alas kuwatro ng hapon na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Nakakuha ng twice-to-beat insentibo ang Ateneo at UST dahil sila ang nag top two finisher sa eliminations matapos ilista ng una ang 12-2 win-loss slate habang 10-4 baraha ang tangan ng huli.

Kailangan lang ng mga taga-Katipunan Ateneo at UST na talunin ang isang beses ang kanilang mga katunggali upang makausad sa Finals.

Liyamado ang Blue Eagles kontra sa Green Archers dahil dalawang beses tinalo ng Ateneo ang La Salle sa eliminations, unang round ay 71-61 at sa pangalawang ikot ay 77-67.

Balikatan naman sa Tigers at Bulldogs dahil kahit dalawang beses nanalo ang una ay parehong come-back wins at dikit lang nagkatalo ang labanan nila.

Nakopo ng UST ang 77-71 panalo sa first round at 58-57 naman sa second round.

Samantala, paniguradong nakatutok ang mga mata ng mga fans sa NU dahil ibang Bulldogs ngayon ang napapanood nila dahil kay Bobby Ray Parks.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply