Atlas farm tuloy ang ops; DENR, CENRO-SJDM bulag

NATUTUWA naman po ako at  natawa kay Region 3 DENR   Director Lormelyn E. Claudio. Sa  wakas ay naiimbitahan ang inyong lingkod sa isang meeting  at technical conference sa pagdinig sa reklamo ng mga residente ng Kaybanban at Brgy. Sto. Cristo sa babuyan ng  Atlas Farm na maraming violation ang nilabag  sa Clean Air Act R.A. 8749; Clean Water Act 9275; Ecological Solid Waste Management R.A. 9003.

Sa ngayon ay nagkaroon ng resulta kahit pagdinig lamang ito. Biruin po ninyong mula buwan ng Marso nang ilabas ang isyu sa aking kolum, kulang sa 7 buwan na ang nakalilipas at kahit papaano ay pakitang-taong aksyon. Iyon nga lamang ay paghaharap lamang samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanilang ginagawang paglabag ng “Atlas Farm” sa  isinagawang inspection ng mga tauhan ni DENR Dir. Claudio na kanyang kinatawan na sina Raquel Contiga at Joy Garcia, kasama ang Pangulo ng Green Hope na si Rosemari  Ido, lSSMESI Rev. Bro. Martin Francisco at Ariel Mendoza, Chief of  Operations ng Bulacan Civil Security Chief and Inteligence Unit sa ilalim ng tanggapan ni Governor  Willy Alvarado.

Aktuwal na napatunayan at napagmasdan  ang mga uod  na sanglaksa na gumagapang sa creek at  nakasusulasok na amoy sa Masipit Creek na siyang tapunan at daluyan ng mga dumi ng baboy na nagmumula  sa loob ng farm. Sa tuwing uulan, ang mga residente ng dalawang barangay ay hindi makatulog at nagkakasakit dahil sa napakabahong amoy mula sa dumi ng  baboy na naimbak sa kanilang imbakan na umaagos sa creek kapag bumubuhos ang malakas na ulan.

Ang  reklamo ng mga residente ng dalawang barangay ang siyang inihain sa “Misyon Aksyon” sa Remate na nalathala. Pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pang aksyon maging ang CENRO Chief na si Engr. Thelma Bautista, SJDM City, Bulacan. Bulag at pipi ito sa nasabing reklamo. ‘Di po ba, mga madam, na aksyunan na ninyo ito kasi nahahalata na kayo na inyong binibigyan ng  proteksyon  ang  Atlas  Farm  na may mga nilabag sa ating batas ng kalikasan. Katunayan po noong September 10, 2012 ay nagbigay kayo ng sulat na inyong inaanyayahan ang ilang mama-mayan para sa isang teknikal meeting, kabilang ang mga kinauukulan.

Katunayan  ay ipinagpaliban  ito  at  ginawa  na lamang  sa  San Jose  delmonte  Bulacan City. para mapalapit sa susunod  na pag  dinig, nanaman.kaya  natatawa  po ako kasi hindi lamang maraming   hadlang  na  dumarating sa  nasabing reklamo  kagaya  po  ng una. habang  tinatahak nila para  umano  maibigay na ang  notice at  violation  na nagawa ng  atlas  farm  ay  nasiraan  ang kanilang  service vehicle kaya di natuloy  sa susunod na pag  kakataon  naman  ay  dumalo  na  po   si  Director  sa  kaniyang mga appointment at  emergency  meeting  kaya natagalan  bago  ito nabigyan ng pansin.

Kaya   patuloy ang pag labag  ng nasabing  farm na talaga naman  pong  kinasihan ng maraming pag kakataon at patuloy na penetensiya ang inaabot  ng mga residente ng dalawang  Barangay na  umabot ito ng  7 buwan  at sa kasalukuyan  ay wala pang aksyon. sabagay  kung iyong  uuriin   libong  baboy  ang  kanilang inaalagaan. kaya libo rin kaya ang  parating   di kaya” nag tatanong  lamang  po ako  mga  madam,  kasi kung bibigyan ninyo  ng aksyon   sa loob ng  7  buwan tiyak ang  padalang  notice ninyo baka  di na mag  kaugaga  sa dami sa haba ng panahon ang  nasabing  farm. para  ayusin ang kanilang  waste disposal na hindi naman  nag  pepenitesiya ang mga residente.Sabagay  hindi nga naman ako  magtataka kasi dina  maamoy ng dalawang  opisyal.Dahilan sa malayo ang kanilang mga   tirahan di gaya  ng mga  taga  KayBanban at Sto cristo  na siyang nakakamoy  ng  masansang na dumi ng baboy sa nasabing  farm.

Kung hindi po ninyo kaya  Dir. Lormelyn E. Claudio at  CENRO Chief Engr. Thelma Bautista dapat  ay mag resign na kayo sa inyong  posisyon kasi  ang  dami ninyo dahilan  dapat  po  sa loob  7 buwan wala lamang  aksyon  kayong ginawa. sabagay sa dami ninyong  dahilan  di  na po ako mag tataka kung bakit  ganoon na lamang ang inyong pagkabulag  at  pipi  sa  reklamo  ng  taga Sto Cristo at kaybanban.

Paging DENR Secretary Ramon J.P. Paje Sir.  Pakiimbistigahan naman  po ang  dalawang opisyal  na usad pagong at  hindi lamang   bulag, pipi at  napakaraming dahilan kaya ang Amihan   Farm sa kasalukuyan  ngayon ay  Atlas  Farm  ay  patuloy ang pag  labag Clean Air Act R.A. 8749; Clean Water Act 9275; Ecological Solid Waste Management R.A.9003.  katunayan  po  aktuwal ng  nakita  ng mga tauhan  ni  Dir  Claudio  pero  hanggang sa kasalukuyan  ay  bulag  sila at  usad pagong ang aksyon  lalo na p o  si  Engr. Thelma Bautista  na siyang nakatalagang hepe  ng CENRO  na dapat po  sana  siya ang unang  mag proprotekta  pero wala  itong  ginagawang  aksyon.At  sa  Atlas fram  hindi po kami hadlang sainyong  negosyo  pero sana  ayusin ninyo ang inyong  waste  disposal  hindi po  iyong nakakaperwisyo sa nakapalibot  na mga residente at  higit sa lahat ating kalikasan  kasi po dati rati may mga isda  pang   makikita  sa ngayon  ay  puro tinolitoniladang  dumi ng  baboy ang  siyang lamang  ng  kahabaan ng masipit  creek. At  kay  Mayor  Rey San Pedro  batid  ko  na alam po ninyo ang nasabing problema  pero  wala  kayong aksyon  sabagay  ayon  po  sa  aking bubuwit   mabilis  dumating sa inyong ang baboy ( Liston)  kapag  nag  request  kayo sa nasabing farm.  Kayo  rin  ilan buwan na lamang ang nalalabi  sa inyong term  ay  eleksyon na. baka sa baho  ay  makalimutan kayo  sabagay   di na  ako mag tataka  kasi  may sakit  nga palang kayong  kalimot.

Bukas po ang aking kolum  para  sa inyong panig  at kapaliwanagan.  NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234  SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com/tiradabalita@yahoo.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address.

Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply