Atty. Leni humirit na mailipat bilang hukom sa QC

TINIYAK ng Juducial and Bar Council (JBC) na tatalakayin sa isasagawang en banc session sa susunod na linggo ang inihaing kahilingan ni Atty. Leni Robredo na mailipat siya bilang hukom sa Quezon City sa halip na sa Bicol.

Sa isang pahinang liham ni Atty. Robredo na ipinadala sa JBC, sinabi nito na nais niyang malipat sa Quezon City upang hindi masyadong malayo sa kanyang mga anak na nag-aaral sa Maynila.

Sinabi pa nito na kanya nang wini-withdraw ang panggatagp nito sa nominasyon na maging presiding judge sa regional trial court (RTC) ng Calabanga at Pili sa Camarines Sur at Ligao City, Albay.

Paliwanag ni Atty.Leni, matapos ang pagpanaw ng kanyang asawa na si dating DILG Sec.Jesse Robredo, ay nais nitong maibalik sa normal na buhay ang kanyang mga anak.

Sinabi rin ni Ginang Robredo na nais niayng makasama ang dalawa niyang anak sa Quezon City dahil hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang mga ito sa pagpanaw ng kanyang asawa.

“After the death of my husband, I was hoping I would be able to bring my children back to their daily routine as soon as possible and go on with our lives just as we planned,” nakasaad sa liham ni Gng. Robredo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply