‘Audio Bible’ inilunsad ng simbahan

INAASAHANG higit pang lalawak ang mga taong maaabot ng Salita ng Diyos dahil maging ang mga abalang tao ay maaari na rin itong mapakingggan sa kanilang mga smartphone, laptop o MP3 player sa pamamagitan lamang ng pag-download dito.

Ayon kay San Fernando Auxiliary Bishop Pablo David, na siyang chairman ng Episcopal Commission on Biblical Apostolate (ECBA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang ‘audio Bible’ na available sa English, Tagalog at Cebuano, ay available na sa CD format mula sa interfaith organization na Philippine Bible Society (PBS).

Ani Pablo, ito ang pamamaraang nakita nila upang mas marami pang tao ang maabot ng Scripture, kasunod na rin ng pagbaba ng bilang ng mga taong nagbabasa at nakakaalam ng Bibliya.

“We know that not everyone is interested in reading that’s why we also promote this audio Bible,” ani David.

Ang CBCP-ECBA ay matagal nang nakikipagtulungan sa PBS, sa pagsusulong ng Bible literacy sa bansa.

“This is also part of our ‘Faith comes from Hearing campaign’ because we also agreed that faith comes from hearing so we also promote this audio Bible,” ani David.

Ang audio Bible ay mayroon na ring MP3 version na maaaring ma-dwonload ng mga tao sa kanilang cellphone, at mai-play sa regular na MP3 o CD player.

Inaasahang sa mga susunod na panahon ay magiging available na rin sa mga dayalektong Waray-Waray, Bicol, Pangasinan, Ilocano, at Hiligaynon ang naturang audio Bible.

“The recording work is still ongoing for the other languages. Pretty soon we’ll make it available in all Filipino languages,” ani David.

Nabatid na lumitaw sa isang survey ng National Book Development Board (NBDB) na bumababa ang bilang ng mga Pinoy na nagbabasa ng banal na Bibliya.

Mula umano sa 92 porsiyento noong 2007 ay nagging 88 porsiyento na lang ito ngayong 2012.

Sa kabila naman nito, sinabi ni David na walang dapat na ikaalarma dahil ang kailangan lamang ay mag-adjust sila sa bagong kultura dahil ang learning process ng mga tao ay nagbabago, sanhi upang maglabas na sila ng audio Bible.

“This means we have to take advantage of the new culture of learning and that is through audio visual,” aniya. “People will be using a lot their cellphones, IPAD, the digital technology and we consider this a good development although for us it’s still best if you have a hard copy of the Bible.”

Noong 2006, una nang nilikha ng PBS ang e-Bible, na electronic version ng Bibliya habang taong 2008 nang simulan ng PBS ang animé sa mobile phones upang gawing mas popular ang Bibliya sa mga kabataan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply