Aussie nagbaril, tigok

NAGBARIL sa sentido ang isang Australiano kaninang madaling araw sa loob ng tinutuluyang bahay sa Malate, Maynila dahil hindi na umano nito makayanan pa ang kanyang iniindang sakit.

Nakilala ang biktima na si Robert Archer, 47, Chief Executive Officer (CEO) ng Advanced Sharp Technologies sa Australia at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 1805 Baywatch Tower Condominuim, na matatagpuan sa no. 2057 M H Del Pilar St., Malate, Maynila.

Ayon kay PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 3:50 ng madaling araw nang madiskubre ng kaniyang misis na si Annabelle, 28, ang pagpapakamatay ng dayuhang mister.

Naiwan umanong mag-isa ang biktima  dahil sinisita ng misis nito ang kaanak ngunit laking gulat na lamang nang maabutan ang mister na duguang nakahandusay sa kanilang kama.

Nabatid na nagtungo sa Pilipinas ang biktima upang magpagamot ngunit nang tapatin ito ng mangaggamot na wala nang lunas ang sakit na brain tumor at dinibdib na nito at ilang beses na nagtangkang magpakamatay.

Isang suicide note ang iniwan ng biktima patungkol sa kaniyang misis at sa mga kaanak sa Australia.

Natagpuan sa tabi ng bangkay ang isang Glock pistol at basyo ng bala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply