Awareness campaign vs HIV/AIDS sinuportahan

HINILING ng Department of Health o DOH Region 12 ang tulong ng media sa pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko kaugnay sa tumataas na kaso ng mga taong nagpo-positibo sa HIV/AIDS sa rehiyon.

Sinabi ni DOH-12 information chief and program officer Jennilyn Ventura na malaki Ang maitulong ng local media para maiparating sa mamamayan ang basic information sa nasabing sakit.

Giit pa nito, kung malalaman ang mga pangunahing impormasyon, mabawasan ang stigma at deskriminasyon sa mga taong mayroong katulad na sakit.

Ang pag-iwas sa risky behavior at multiple sex partners ay makapagpapababa sa panganib na mahawa sa sakit.

Nabatid na sa General Santos City, aabot na sa 41 ang mga HIV positive at 15 ang kaso ng full-blown AIDS.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply