Azkals bumabangis

BUMABANGIS ang Philippine Azkals kaya naman nakatutok sila sa paglapa ng kauna-unahang titulo ng bansa sa 4-nation tournament.

Namamayagpag sa tuktok ang Azkals matapos nilang pagpagin ang Macau, 5-0 sa Philippine Football Peace Cup sa Rizal Memorial Football Stadium kagabi.

Tinadyakan ni Fil-German Denis Wolf ang kanyang unang goal sa 22nd minute pagkatapos ay nakaisa pa para ilista ng Azkals ang six point at mapalapit sa titulo.

Kay Wolf din ang score sa 64th minute goal ng Pinas ng ibinigay ni Fil-Am rookie Demit Omphroy ang bola sa kanya.

Kahit wala ang magkapatid na Phil at James Younghusband ay nagagawa pa ring ilabas ng Azkals ang kanilang mga pangil.

Umiskor din si Fil-Spanish midfielder Carli De Murga sa 49th minute habang galing naman ang 69th minute score kay Fil-German Patrick Reichelt.

Si Reichelt galing ang 1-0 score nila ng talunin ang Guam sa unang laro.

Samantala, hawak ng Chinese-Taipei ang pangalawang puwesto na may four point matapos nilang kaldagin ang Guam, 2-0.

Kailangan na lang na maka-draw o manalo ang Azkals laban sa Chise-Taipei bukas ng gabi upang makopo na ang titulo sa event na kilala rin bilang Long Teng Cup.

Sakaling masilat ang Azkals ay mapupunta ang titilo sa Chinese-Taipei.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply