B & W Movement, dismayado kung madiskuwalipika

INAMIN ni Black and White Representative Leah Navarro na dismayado ang kanilang grupo kung hindi ma-accredit ng Commission on Elections ang kanilang organisasyon para lumahok bilang partylist group sa darating na 2013 midterm elections.

Sinabi ni Navarro sa ginanap na balitaan, na sakaling di sila ma-acredit ay hindi magbabago at tuloy pa rin ang kanilang pagsuporta sa administrasyong Aquino.

Sa kabila, aniya, na kaalyado sila ng administrasyong Aquino, may karapatan din sila na makakuha ng espasyo sa kongreso dahil hindi naman umano partisan ang Black and White Movement.

Ayon kay Navarrro, sinabi nito na tignan din naman ang magandang intensyon ng kanilang grupo bukod pa sa may mga programa rin naman sila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply