Babae nanganak sa LRT Central Station

MATAPOS mabahiran ng pagpapakamatay dalawang linggo na ang nakararaan, isang sanggol naman ang isinilang kanina sa Central Station ng Light Rail Transit (LRT Line 1) sa Maynila.

Ayon kay LRT Authority spokesman Hernando Cabrera, sanggol na lalaki ang isinilang ng babaeng kinilala lamang sa pangalang Anita, dakong 1:10 p.m. sa LRT-1 Central Station platform.

Tinulungan umano si Anita ng isang station personnel, at pagkatapos ay isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) upang maiayos ang kalagayan ng mag-ina.

Matatandaang noong Aug. 30, nabalam ang biyahe ng LRT mula sa EDSA station, matapos tumalon ang 50-anyos na babae sa paparating na tren.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply