Babala kay Dole Sec. Baldoz

MUKHANG determinado si Labor and Employment Secretary Ro-salinda Dimapilis-Baldoz  na linisin mula sa ibat ibang uri ng katiwalian ang kanyang kagawaran. Bilib tayo kay Sec. Baldoz dahil bagama’t ‘di naman talagang kasing-talamak sa katiwalian ang DOLE gaya ng ibang kagawaran ay desidido pa rin si-yang gawing graft-free ito.

Kamakailan lang ay inilunsad ni Sec. Baldoz ang isang kampanya para sa tinatawag niyang graft and corruption free DOLE, na naglala-yong walisin ang lahat ng bakas ng anomang katiwalian sa kanyang tanggapan. Isinabay niya ang pag-lulunsad sa signing ng isang memo-randum of agreement sa pagitan ng DOLE at ilang mga kumpanya kung saan ay hinamon niya ang private sector na samahan siya para luma-kad sa “tuwid na daan”.

Ipinagmalaki rin niya ang pag-kakatatag ng National Tripartite Efficiency and Integrity Board (NTEIB) na siyang tatanggap sa mga reklamo na nais iparating ng publiko sa kanyang tanggapan. Sa madaling salita ay mukhang ginagawa talaga ni Sec. Baldoz ang lahat para linisin talaga ang DOLE at saludo ako sa kanya riyan.

Siyanga pala, tutal ay may kampanya na siya laban sa kati-walian ay mabuti siguro na um-pisahan muna niyang tingnan ang ilang mga tauhan niya sa kanyang paligid. Baka kasi  nagagamit  ang pangalan niya para sa kalokohan gaya ng nangyari sa kaso ng isang kaibigan ko.

Gusto kasi ng kaibigan kong ito na mag-invest kasama ang ilang foreign partner para magtayo ng isang training center na accredited ng TESDA para sa mga skilled worker na gustong magtrabaho sa ibang bansa. Kumpleto naman na siya sa lahat ng mga dokumento pati accreditation, certification at endorsement na ang iba ay galing pa sa ibang bansa.

Ang masakit nito ay may naki-lala siyang tao na nagyayabang na may kontak daw siya kay Sec. Baldoz at hinihingan siya ng P500,000 kapalit ng permiso mula sa kalihim na nagbibigay sa kanya ng karapatan para makapagtayo ng training center.Dahil sa laki ng hinihinging halaga ay nagduda ako kaya naman inilapit ko kay Director Nicon Famorenag ng Labor Com-munications Office ang problema niya.

Mabilis namang umaksyon si Director Nicon kaya nalaman namin na hindi naman tumatakbo ang papeles ng kaibigan ko at hindi totoo na kailangan ang ganoong kalaking halaga para mabigyan siya ng per-miso para sa training center. Dahil sa ginawa ni Director Nicon ay napi-gilan ang panloloko sa kaibigan ko ng kolokoy na iyon na nagpapa-kilalang close daw kay Sec. Baldoz  at ginagamit ang pangalan niya sa kalokohan.

Nagpapasalamat ako kay Di-rector Nicon sa mabilis niyang ak-syon kaya hindi nagtagumpay ang manloloko na iyon. Pero sana ay maging babala rin ang pangyaya-ring iyon kay Sec. Baldoz na sana ay maging mapagmatayag siya sa mga tao sa paligid niya para ma-siguro niya na magtatagumpay siya sa kampanya niya laban sa katiwalian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply