Babysitter tiklo sa pagdukot sa alagang bata

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang isang babysitter dahil sa pagdukot sa kanyang inaalagaang bata sa Iloilo City.

Nakaditine na ngayon sa Leganes Police Station ang suspek na si Luna Domingo, 19-anyos ng Barangay Capayu-an in Barbaza, Antique.

Ayon sa nanay ng bata, umalis si Domingo sa kanyang bahay nitong Biyernes ng hapon bitbit ang kanyang anak at itinaon na walang tao sa kanilang bahay.

Humingi naman agad ng tulong sa pulisya ang naturang nanay, na titser sa isang pribadong eskuwelahan sa lungsod, at sa kabutihang palad ay naispatan si Domingo at ang kanyang anak sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Jaro.

Depensa naman ni Domingo na dadalhin niya ang kanyang alaga sa eskuwelahan na pinatuturuan ng nanay ng bata dahil gusto na niyang umuwi sa kanilang bahay sa Antique.

Gayunman, inamin din nito kinalaunan na ang kanyang textmate na nakilala sa pangalang “James” ang nag-utos sa kanya na dalhin ang bata sa kanyang bahay sa Janiuay sa Iloilo.

Sina Domingo at James ay nagkita ng ilang ulit simula nang magkakilala sila noong Oktubre 2011.

Hinahanap na ngayon ng awtoridad ang kinaroroonan ng ka-textmate ni Domingo at inaalam kung ang dalawa ay miyembro ng isang organisadong grupo na sangkot sa pagdukot sa mga kabataan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply