Baclaran sinuyod ng MMDA sidewalk clearing operations

LUMUSOB ang may 200 mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority Sidewalk Clearing Operations Group, sa Baclaran malapit sa Redemptorist St. sa Paranaque City .

Ito ay upang itaboy ang mga vendor na nagkalat sa kalsada at nakaharang sa daraanan ng mga sasakyan at mga pedestrian na naglalakad papunta at palabas ng simbahan na matagal ng inirereklamo ng publiko.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga tauhan ng MMDA at mga vendor kung saan tumakbo palayo ang mga vendors tulak ang mga kariton, na de gulong na kinalalagyan ng kanilang mga paninda sa takot na makumpiska ang mga ito.

Siniguro rin ng MMDA ang mga commercial stalls sa lugar na hindi nakakaistrbo  ang mga paninda ng mga ito sa daanan nang tao.

Ayon na rin sa MMDA malawakan ang ginagawang clearing opearations ng ahensya para sa nalalapit na kapaskuhan.

Maglalagay nang 60  tauhan ng MMDA  sa lugar. matapos ang clearing opeartions para bantayan ang lugar at upang di na makabalik pa ang mga illegal na vendors sa Baclaran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply