Bading na actor happy sa bagong project dahil maraming Papa

WOW! Isa na raw pala sa leading-men ng sikat na actress sa kanyang daring teleserye ang hunk actor na matagal ng napapabalitang bading at nagpakasal sa kapwa niya lalaki sa ibang bansa.

Yes, hindi kayo nagkakamali kasama na nga si said gay actor sa bagong project na ito kung saan dahil isa nga siya sa mga makakapareha ng biyuting aktres ay tiyak pipilitin nitong magpakalalaki alang-alang sa career.

Pero, kwidaw ka hindi naman ang leading-leady niya ang pagnanasaan niya sa serye kundi ang apat pang guys na co-stars niya rito.

Sabi pa ng ating spy, sa lahat ay ang tinutukoy nating macho gay raw ang super excited sa nalalapit na taping nila.

Papano, may isa siyang pantasyang makatikimang co-actor na noon pa niya dinidiskartehan pero dine-deadma siya.

Kasi, naman hindi happiness ang hanap ng feel niyang actor. Ang gusto nito kung magpapa-churva lang din naman siya, roon na sa talagang may datung.

Yes, wala pa sa showbiz sanay na sa pagbaba-booking sa mga bading sa kanilang probinsiya si actor bago siya na-discover ng kanyang gay manager.

Pero malay nga natin kung dahil sa pagtitiyaga ni bading na aktor ay magtagumpay rin siya dito sa tinutukoy nating matangkad at gwapong co-actor.

Harinawa naman gyud!

***

John Edric Ulang, tinanghal na Mr. Pogi 2012 sa Eat Bulaga at ang mga runner-ups

LAST Saturday ay idinaos na ang Grand Finals ng Mr. Pogi 2012 sa Eat Bulaga kung saan naglaban-laban rito ang 16 grand finalists na mga Ulitimate TV Heartthrobs.

At ang nakasungkit ng titulo bilang bagong Mr. Pogi of 2012 ay walang iba kundi ang 22 year old guy at Jake Vargas look a-like ng Binangonan, Rizal na si John Edric Ulang.

Tinalo nito ang mga co-finalist dahil sa hindi lang siya pogi kundi talented pa hindi lang sa singing and dancing kundi sa acting rin. Ilan sa mga bonggang-bonggang prizes na tinanggap ng nasabing Ultimate TV Heartthrob ay 200,000 cash mula sa Eat Bulaga at one year supply ng Eagle Jeans worth 120,000.

Super saya, si John Edric dahil ang nag-award sa kanyang pagkakapanalo ay walang iba kundi ang Mr. Pogi 1996 na si Jericho Rosales na malayung-malayo na ang narating ng career bilang actor at recording artist.

Narito naman ang mga runner-ups ni John Edric. Tinanghal na 3rd Runner-up ang Mr. Pogi Finalist #6 na si John Paul Duray at nagka- mit siya ng 30,000. Ang finalist #1 naman na si Chryst Josef Almazar ang siyang 2nd Runner-Up at tumanggap si- ya ng 50,000.

At sa kauna-unahang pagkakataon sa nasabing original male beauty pageant ng Eat Bulaga, ngayon lang nagkaroon ng tie para sa first Runner-up and they are Mr. Pogi finalist #8 Bryann Carlo Jaofrancia and Jaylord Casino Mr. Pogi finalist #13. Parehong tumanggap ng 100,000 cash ang dalawa. At lahat ng runner-ups ay binigyan ng 10 K worth of Eagle Jeans Apparel.

By the way, namigay rin ng special awards ang Bulaga para sa ilan pang Mr. Pogi finalists at para sa Texters choice nakamit ito ng finalist #5 Franz Akeem and he recieved 20,000 cash, ibinigay naman kay Bryann Carlo Jao -Francia ang special award para sa Mr. Pogi
Nakakalokang Talent at si Rommel Galido naman ang nanalo para sa Best Profile Picture kung saan umabot sa 22,000 people ang nag-like sa kanya.

Nagsilbing mga judges sa Mr. Pogi 2012 sina Marian Rivera, Raymond Gutierrez, Mama Alfie Lorenzo, Aga Muhlach, Regine Velasquez and Jericho Rosales.

So mga Papable and Papaliciuos gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply