Badyet ng Constitutional agencies lusot sa Senate panel

MALIBAN sa Commission on Election (Comelec), nakalusot na sa Senate Committee on Finance ang badyet ng lahat ng ahensyang kabilang sa Constitutional and Fiscal Autonomy Group (CFAG).

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate finance committee, aprubado na ang badyet ng CFAG agencies tulad ng Office of the Ombudsman na may alokasyon na P1.72 bilyon sa ilalim ng panukalang P2.006 trilyon national budget; ang Commission on Audit, P8.1 bilyon; at Civil Service Commission (CSC) na may P932.59 milyon.

Mas mataas ng 26.94 porsiyento ang badyet ng Ombudsman sa 2013 outlay nito na P1.35 bilyon; at karamihan dito, P1.39 bilyon, ay mapupunta sa personnel services upang makakalap ng mas maraming abogado at mapadali ang disposisyon ng mga kaso.

“There are currently 11,000 criminal and administrative cases pending before the Ombudsman requiring swift and determined action. Hence, to ensure speedy disposition of these cases now swamping the anti-graft agency, the Office has embarked on the recruitment of 100 qualified and competent lawyers to beef up its present staffing complement,” ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa ginanap na pagdinig.

Samantala, tumaas din ang badyet ng COA ng 15.72% kaysa kasalukuyang alokasyon nito sa halagang P7 bilyon, at nadagdagan naman ng P160.9 milyon ang badyet ng CSC mula sa 2012 budget nito na P771.68 milyon.

Nabigo naman ang Comelec na makalusot sa budget deliberation na nagkakahalagang P8.42 bilyon matapos ang tatlong pagdinig na isinagawa ng komite.

“I am hoping that in the fourth hearing of the Comelec budget, the inquiries and concerns of Senator Allan Peter Cayetano will finally be addressed by Chairman Sixto Brillantes Jr.,” ayon kay Senator Franklin Drilon, chairman ng panel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply