Badyet ng DPWH, NTC, Philpost, aprub na; MMDA tablado pa

APRUB na sa Senate committee finance ang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH), National Telecommunications Commission (NTC) at Philippine Postal Corporation (PhilPost).

Ngunit, muling ipinagpaliban ang pagdinig sa badyet ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil may reserba pang katanungan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano hinggil sa pondo nito.

Aprubado sa committee level ang P165.57 bilyong badyet ng DPWH, P259.38 milyon sa NTC, at P301 milyon sa Philpost. Pansamantalang ipinagpaliban naman ang pagtalakay sa P1.48 bilyong badyet ng MMDA.

Sinabi ni Senador Franklin Drilon, nakatakda nang ihain sa plenaryo para sa deliberasyon ang naturang badyet ng tatlong ahensiya.

Magkakaroon naman ng isa pang pagdinig sa badyet ng MMDA upang matalakay ang katanungan ni Cayetano na kumukuwestiyon sa proyekto ng ahensiya sa flood control programs.

Sinabi pa ni Drilon na mas mataas ng 32 porsiyento ang badyet ng DPWH sa 2013 kaysa kasalukuyan na umabot sa P125.74 bilyon na may layunin na suportahan ang rehabilitasyhon at pagsesemento sa mahigit 31, 242 national at secondary roads na tinutudlang matapos bago sumapit ang 2014 at 2016 ayon sa pagkakasunod-sunod kabilang ang pagkukumpuni at pagtatayo ng tulay.

Gagamitin naman ang P12 bilyon sa kontruksiyon at pagpapalawak ng 623.8 kilometro ng access road na naideklarang strategic tourist destinations.

Hinggil sa flood control project, naglaan ang ahensiya ng P18.22 bilyon para sa buong bansa kabilang ang kontruksiyon at rehabilitasyon ng flood control projects tulad ng dike, seawall , slope protection at creeks sa 20 major river basins at 376 principal river basins.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply