Bag na may laman na P.63M napulot, isinauli ng janitor

ISINAULI ng isang janitor ang napulot na bag na naglalaman ng mahigit P634,000 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Base sa panayam sa radyo kay Ronald Gadayan, 28, janitor, nakita niya ang bag bago sumakay ang mga pasahero sa isang Cebu Pacific flight.

“Bag po siya maliit lang… shoulder bag na maliit lang po kulay brown. Boarding na po ng Cebu Pacific, janitor po ako na naka-assign d’un. Maraming tao po d’un, inisip ko sa pasahero ‘yun.”

“N’ung wala na pong tao, nag-boarding na ‘yung Cebu Pacific, nandun pa rin ‘yung bag… Baka nag-CR lang ‘yung pasahero kaya hinintay ko na lang. Pabalik-balik po ako kasi nagma-map ako. N’ung iba na ‘yung flight, panibagong pasahero, sabi ko baka naiwan ito. Kawawa naman may-ari nito [kaya] tinawag ko na ‘yung flight steward.”

Iginiit pa ni Gadayan na hindi niya binuksan ang bag at nalaman na lang niyang pera ang laman nito nang iakyat nila sa kanilang head.

Nabatid na isang negosyanteng Filipino-Chinese ang nagmamay-ari ng bag dahil sa mga ID na nakita sa loob nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply