Bagets actor na kasama sa eco-fantaserye nagpaparamdam kay BB Gandanghari?

PORKE alam raw ng bagets actor na loveless si BB Gandanghari ay madalas raw itong magpakita ng motibo sa gay sister ni Robin Padilla.

Magkasama kasi sila sa isang eco-fantaserye at kahit hindi sila madalas magka-eksena ay tini-text raw niya ang utol ni Binoe at niyayang mag-date.

Kung hindi kami nagkakamali, ang tinutukoy na actor ay sumali noon sa isang sikat na reality contest sa isang malaking TV network at umaming madalas siyang magpaligaya ng kanyang sarili sa loob ng bahay.

Ang sabi, sanay na rin daw ito sa bading. Ang tanong na lang ngayon ay kung pagbibigyan ba ni BB na i-date siya ng nagpapantasya sa kanyang actor na hunk ang dating?

Baka naman, lalo pa’t date lang naman. Ewan lang sa churvahan. Si BB na ang makasasagot ng tanong na daring questions nating ‘yan (Hahahahahahahaha! – Ed).

Girl na girl gyud!

***

Showbiz career ni Bea Binene winawasak ng kampo ng benefactor lawyer na si Atty. Ferdie Topacio?

I’M NOT close to Bea Binene dahil hindi naman kami na-iinvite sa mga event nito pero nais lang naming ipagtanggol ang young singer-actress sa mga sari-saring blind items about her na talaga namang below-the belt at nakasisira ng kanyang pagkatao at magandang showbiz career ng Kapuso star.

Ang concern lang namin dito kay Bea ay bakit tila wala yatang ginagawang action ang GMA-7 sa mga degrading negative issue sa kanilang alaga? At saka bakit talak nang talak ang kampo ng certain Atty. Ferdie Topacio na legal counsel ni Bea and at the same time ay nili-link sa pretty young star na benefactor raw niya?

Sa kampo ng nasabing abogado nanggaling ang pumutok na isyu na kinasuhan raw ng mag-inang Carina at Bea sa Camp Crame ang sikat na DJ ng LS FM na si Papa Dan dahil sa walang tigil na panggugulo raw nito sa dalagita.

Tapos may sinasabi pa silang pinapakumpiska raw ni Bea ang cellphone at laptop ng nasabing FM Deejay na parang ang gusto nilang palabasin ay may itinatagong sikreto rito sina Bea at Papa Dan.

Da height! Ginagawa niyo ang mga karumal-dumal na bagay sa isang 15 year old girl na mukha namang inosente sa lahat ng mga ipinaparatang n’yo sa kanya. Hindi ba dapat bilang legal counsel ni Bea ay pinoprotektahan naman ni Atty. Topacio ang career ng young actress laban sa mga naninira rito?

Eh, obvious na hindi! At parang tuwang-tuwa pa ang kampo ni attorney na nasisira si Bea sa publiko. Ayaw naming manghusga dahil ‘di naman namin kilala personally ang nabanggit na abogado pero sana, gumawa naman siya ng move para matigil na ang mga paninirang puri na ito kay Binene lalo na sa DOM o benefactor “thing” na ‘yan.

Makunsensiya at maawa naman kayo sa bata gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply