Bagong alyansa ng manggagawa, inilunsad

INILUNSAD ang isang alyansa ng mga obrero na kinabibilangan ng walong pederasyon kaninang umaga sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines compound sa Intramuros, Manila .

Inilunsad ang Action against Contractualization and Towards a Significant Wage Increase Now! o ACT2WIN upang ilaban ang makabuluhang dagdag sahod at labanan ang kontraktuwalisasyon sa sektor paggawa.

Kabilang ang Alliance of Filipino Workers, Federation of Free Workers, Kilusang Mayo Uno, National labor Union, Philippine Association of Free Labor Unions, as well as the Banks and Financial Unions vs. BSP Circular 268 and Koalisyon ng mga Progresibong Manggagawa at Mamamayan sa mga bumubuo ng bagong alyansa.

Ayon sa mga pederasyon, nagkakaisa sila sa panahong walang katulad ang atake sa kanilang kasiguruhan sa trabaho at patuloy na pagkapako ng kanilang sahod sa mababang antas.

Sesentruhan ng ACT2WIN ang pagpapanawagan sa gobyernong Aquino na kumilos na hinggil sa mga hinaing ng manggagawa sa mas mataas na sahod at pagbabasura ng kontraktuwalisasyon ng kanilang mga trabaho.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply