Bagong appointees pinangalanan na ni PNoy

INIHAYAG na ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga bagong appointee na makatutuwang sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Kabilang sa mga ito ay si John Cu Unjieng Andrews na ipinalit kay John Roa Andrews bilang Director General ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Itinalaga rin ng Pangulo si dating Sen. Victor Ziga bilang bagong miyembro ng Board of Directors ng Philippine National Oil Company (PNOC).

Ang tatay naman ni Ogie Alcasid na si Herminio Alcasid, Jr. ay muling itinalaga bilang miyembro ng Board of Directors ng PNOC Development and Management Corporation.

Itinanggi naman ng Malakanyang ang ulat na papalitan na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Jose S. Gutierrez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply