Bagong biktima ng bullying sa CSA, lumutang

LUMUTANG ang isa pang biktima umano ng bullying sa Colegio San Agustin (CSA) sa Makati .

Base sa panayam sa radio ng isang  “Mang Boy”, nagkaroon din ng karanasan ang kanyang anak dalawang taon na  noon ay  3rd year high school  lamang.

Base sa salaysay, hindi pinahiram ng kanyang anak ng gitara ang mga nambu-bully na kanyang mga kaklase.

Ilang sandali umano pagpasok sa kanilang silid-aralan ay sinugod ng bully ang kanyang anak at dito na inihampas sa kanyang ulo ang electric guitar na pumutok ang tenga ng biktima na inabot ng apat hanggang limang araw sa Makati Medical Center (MMC) bago tuluyang gumaling ang sugat nito.

Nabatid pa na nagdadala umano rin ng kutsilyo patago ang naturang grupo, na siya naman ground for suspension ayon sa handbook ng paaralan.

“Nakalagay po sa handbook, ang bata na nagdadala ng patalim concealed in school, ang kaparusahan diyan ay expulsion…Unfortunately they did not face up to their responsibilities. Ni isang oras of suspension, wala pang tinaggap yung bata.”

“Very consistent po sila…tinatalikuran po nila ang kanilang responsibilidad…Hindi po mahihinto ang pambu-bully sa mga mag-aaral po diyan,” ayon pa kay Mang Boy.

Una nang lumantad  ang isang biktima ng bullying, na tinutukan umano ng ama ng kanyang kaklaseng nakaaway.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply