Bagong distrito sa Bukidnon, aprub na

INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang dagdagan ng isang distrito ang lalawigan ng Bukidnon, ayon kay Sen. Bongbong Marcos.

Sa naganap na botohan nitong Huwebes, sinabi ni Marcos na 12 senador ang bomoto nang pabor, at walang tumutol o nag-abstain sa paglikha ng dagdag na distrito sa Bukidnon.

“The population size of Bukidnon has steadily grown over the years and as such the province needs an additional district so it can be duly represented in the House of Representatives. At present, Bukidnon has three districts,” ayon kay Marcos, chairman ng Senate committee on local governments and urban development.

Sa ngayon, ayon kay Marcos, umaabot sa 1,299,192 ang populasyon ng Bukidnon alinsunod sa 2010 National Statistics Office (NSO).

Sakaling pirmahann ng Pangulo ang panukala, magkakaroon ng apat na distrito ang Bukidnon.

Sa unang distrito, kinabibilangan ito ng munisipyo ng Baungon, Libona, Malitbog, Manolo Fortich, Sumilao, at Talakag; sa second district ang Malaybalay City, Impasugong, Cabanglasan, Lantapan, at San Fernando habang ang third district ay Kadingilan, Damulog, Dangcagan, Don Carlos, Maramag, Kibawe, Kitaotao, at Quezon.

Kabibilangan naman ng bagong distrito ang Valencia city, Kalilangan, at Pangantucan.

“The rule on reapportionment is based on the principle of equality of representation. Larger representative districts should, therefore, be entitled to more representatives in Congress. The people of the province of Bukidnon certainly deserve additional seats in the House of Representatives, after having complied with the (Constitution),” ayon kay Marcos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply