Bagong flood control project ng DPWH aarangkada na

AARANGKADA na ang mga bagong flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa National Capital Region at sa paligid ng Laguna de Bay.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, tatlong isyu ang tinutukan sa ginawa nilang master plan para sa proyekto.

Sinabi ni Singson na unang isinusulong ang pagkakaroon ng retarding basin na siya munang hahawak sa tubig na nanggagaling sa Sierra Madre para hindi na bumagsak kasabay nang malakas na pag-ulan at bagyo.

Ang prinsipyo ng masterplan ay tinitingnan nila ang buong river system hanggang sa upstream.

Bukod dito, ipinahayag ni Singson na aayusin nila ang drainage at internal waterways sa pamamagitan nang pagpapalit o pagdadagdag nito.

Tututukan din ang mga nasa low lying areas tulad ng CAMANAVA (Calooca, Malabon, Navotas at Valenzuela) area sa pamamagitan ng dredging system.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply