Espina bagong NCRPO chief

SIMULA bukas, uupong bagong hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si chief Superintendent Leonardo Espina.

Itinagala ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome si Espina sa NCRPO upang palitan si Police Director Alan Purisima, na inakyat naman bilang hepe ng PNP directorial staff sa Camp Crame.

Pinalitan naman ni Purisima ang magreretirong si Deputy Director General Arturo Cacdac, Jr.

Mahaharap si Espina sa pagsubok hinggil sa persepyon na mahina ang peace and order sa Metro Manila sa kasagsagan ng serye ng krimen kabilang ang sakit sa ulo ng lipunan na motorcycles riding in tandem.

Batay sa report ng NCRPO, tumaas ng 70% ang naitalang krimen sa Metro Manila sa unang anim na buwan ng taong ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply