Bagong plunder case vs CGMA, pangangampanya lang

HINDI raw nababahala ang kampo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa panibagong plunder na maaring isampa laban sa kaniya.

Kaugnay ito ng akusasyon ni Senador Serge Osmena hinggil sa umano’y maanomalyang 111 bridge contracts sa ilalim ng administrasyong Arroyo na umanoy overpriced ng mahigit P10 bilyon.

Paliwanag naman ng tagapagsalita ni CGMA na si Elena Bautista Horn, dumaan sa masusing proseso ang mga kontrata sa tulay.

Hindi rin lang, aniya, ang administrasyong Arroyo ang gumawa ng mga kontrata kundi nagsimila ito noong panahon pa ni dating Pangulong Fidel Ramos hanggang sa kasalukuyang administrasyon.

Tiniyak din ni Horn na dumaan din sa masusing pag-aaral ng mga eksperto mula sa Britanya at Pransya ang proyekto kaya hindi maaring ibintang lang kay Arroyo ang anumang umanoy iregularidad ng mga kontrata.

Bwelta ng kampo ni Arroyo, ginagamit lang ang dating pangulo dahil malapit na ang eleksyon at pangangampanya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply