Bagong probinsiya, nilikha sa CamSur

KINUMPIRMA ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagkasundo ang Senado at Mababang Kapulungan na lumikha ng panibagong lalawigan sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur.

Sa panayam kay Marcos, nagdidiwang ng kanyang ika-55 kaarawan ngayon, na may kasunduan ang dalawang kapulungan ng kongreso na lumikha ng Nueva Camarines sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur sa halip na mula sa dalawang distrito.

“We had a compromise agreement between the Senate and the House of Representative to create a separate province from one district instead from the two district as originally proposed,” ayon kay Marcos.

Kinabibilangan ang fourth district ng Camarines Sur ng bayan ng Fuentebella, Goa, Tigaon, Presentacion at Ocampo na pawang distritong kinakartawan ni Rep. Monico Fuentebella sa Congress.

Sinabi pa ni Marcos na nakatakdang ihain ang committee report ng panukala sa Lunes upang simulan ang debate sa plenaryo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply