Bagong pulis vs kotong cops

MEDYO matagal-tagal na ring nanunungkulan si PNP Chief Nick Bartolome at sinasabing larawan siya ng bagong “mamang pulis.”

Itong “mamang pulis”, sa tanda ko, eh, nilikhang imahe ng pulisya ni dating PNP chief Avelino Razon na nagbibigay pa ng sarili niyang selpon namber para direktang makapagsumbong sa kanya ang mamamayan ukol sa mga kriminal…at sa mga kotong cop na rin.

Ipinagpapatuloy ang imaheng ito ng mga sumunod na hepe ng pulisya bagama’t sa iba’t ibang istayl.

‘Pag tinawag kasi ang parak na “mamang pulis”, malapit ang loob ng mamamayan sa kanya. Hindi sila takot na lumapit sa kanya anomang oras ukol sa anomang bagay.

Ang tanong nga lang, eh, nagtagumpay ba ang pulisya?

oOo

Nagtatanong tayo, Suki, dahil tila hindi yata nagtatagumpay ang mamang pulis.

Paano nga naman kasi magtatagumpay kung nararanasan ng marami ang kalokohan ng mga pulis?

Andiyan ‘yung imbentuhan ka ng krimen gaya ng ponseks saka ka nila kikikilan.

Ang nakakatakot, aagawin sa iyo ang iyong sasakyan saka ka paghahagilapin ng pera para ibigay sa kanila.

‘Di ba NCRPO chief General Nards Espina? Halos lahat din ng mga bisi na kalsada at krosing sa Metro Manila ay puno ng mga hulidaper na pulis.

Mantakin mo, pinagkakakitaan ng mga ito ang mga depekto ng gobyerno gaya ng kawalan ng trapik sayn o bulag na mga trapik layt sa pamamagitan ng panghuhuli sa iyo bilang trapik bayoleytor daw.

oOo

Ayon kay Juan, kokonti lang ang mga kriminal lalo’t sinasalbeyds sila.

Ang talaga umanong marami ay ang kotong cops sa mga motorista, droga, vendor ng yosi, kendi at DVD at nakawan.

O Hen. Bartolome at Espina, paano didisiplinahin ang mga ito?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply