Bagyo sa tag-tuyot

DAHIL papalapit na sa lupa ang bagyong Lawin, inilagay na muli sa signal No. 1 ang ilang lugar sa Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) inaasahang tatama ito sa lupa sa dulong Hilagang Luzon bukas (Sept. 27).

Sa ngayon ay nasa signal number 1 na ang Isabela, Babuyan Island, Cagayan at Kalayaan Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 485 kilometro sa Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ni Lawin ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 205 kilometro bawat oras at pagbugsong umaabot sa 240 kilometro bawat oras.

Tinatahak ng bagyo ang pa-Hilaga-Hilagang Kanlurang direksyon sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Inaasahan namang lalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyong Lawin sa Sabado

Samantala pinaghahandaan naman ng pamunuan ng National Irrigations Administration (NIA)-South Cotabato ang pagpasok sa susunod na buwan ng El Niño phenomenon sa lalawigan para hindi maapektuhan ang supply ng tubig sa mga pananim ng mga magsasaka.

Ayon kay Engr. Ramon Bogacia, head ng NIA South Cotabato, walang closure sa mga dam na nagsusuplay ng tubig sa mga pananim sa lalawigan sa kabila sa napipintong El Niño.

Kaugnay nito, muling nagpaalala si Bogacia sa mga magsasaka na paghandaan ang pagpasok ng tagtuyot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply