Bagyong Karen lalabas ng bansa sa Linggo

INAASAHANG sa Linggo pa lalabas ng bansa ang bagyong Karen.

Sa ulat sa telebisyon ngayong umaga, sa pinahuling update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 660 kilometro sa silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.

Si Karen ay kumikilos sa direksiyong pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil dito, pinayuha ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat na iwasang maglayag sa eastern seaboard ng Visayas at Mindanao.

Samantalam hindi rin umano umuusad ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng West Philippine Sea na huling namataan sa layong 240 km sa kanluran ng Zambales.

May posibilidad rin itong maging bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply