UPDATE: ‘Karen’ palabas na ng bansa, pag-ulan mararanasan

NAKARANAS ng pagbaha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa malakas na buhos ng ulan kaninang madaling araw.

Ayon sa (PAGASA) ang nararanasang pag-ulan ay sanhi ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyong Karen.

Dahil dito, apektado rin ng pag-ulana ang Central Luzon, Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon at Mimaropa.

Huling namataan ang bagyong Karen sa layong 690 kms Silangan ng Batanes- taglay ang lakas ng hangin na 185 KPH malapit sa gitna at may pagbugso na 220 kph. Ito ay inaasahang kikilos pa-Hilaga sa bilis na 15 kph.

Mamayang gabi ang bagyong Karen ay inaasahang nasa labas na ng bansa at tatahakin nito ang Taiwan patungong Okinawa, Japan.

Binalaan din ng PAGASA ang mga mangingisda at mga maliliit na sasakyang pagdagat na iwasan ang maglayag sa Northern at Eastern Seaboard ng Northern Luzon, Eastern Seaboard ng Central Luzon, Seaboards ng Southern Luzon, at Eastern Seaboard ng Visayas – dahil sa malalaking alon.

Samantala, nag-iwan ng isang patay ang bagyong si Karen, nang malunod ang isang 70-anyos na mangingisda sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karen.

Narekober ang bangkay ng biktimang si Juan Cabales sa barangay Kawayan sa bayan ng Libangon sa Southern Leyte.

Si Cabales ang kauna-unahang fatality sa hagupit ng bagyong Karen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply