Bagyong Lawin ‘di magla-landfall, panibagong bagyo papasok

IPINAHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hindi na magla-landfall ang Bagyong Lawin sa bansa.

Samantala, iniulat ng ahensya na isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Reposibility (PAR) bago magtapos ang Setyembre.

Samantala, inatasan na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang kanilang mga regional offices para magsagawa ng precautionary measures kaugnay sa banta ng bagyong Lawin.

Batay sa tropical storm severe bulletin No. 10 ng NDRRMC, kanilang inatasan ang mga local risk reduction management council na bantayan ang mga mababang lugar na maaring makaranas ng pagbaha.

Sa atas ng ahensya, binigyan nito ng pagkakataon at pagdedesisyon ang mga local DRRMC para maglunsad ng preemptive evacuation sa mga apektadong residente tulad sa tabi ng bundok at mababang lugar.

Inaasahan na ang pag-ulan at papalo sa pagitan ng 10-25mm per hour o heavy to intense sa 600km radius sa sakop ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply