Bagyong Lawin lumalakas

NAGPAPATULOY sa paglakas ang binabantayang bagyong Lawin habang tinatahak nito ang direksyong pakanluran papalapit sa bansa.

Batay sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang bagyong Lawin sa layong 670 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Nagtataglay ito ng lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Dahil dito, makararanas ang kalakhang Maynila ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pagkidlat, pagkulog at pagkidlat sa dakong hapon o gabi.

Naglalaro naman sa 24 hanggang 31 antas ng sentigrado ang temperatura sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply