Bagyong ‘Lawin,’ todo-bantay ang pagtama sa kalupaan

NAGPALABAS ng thunderstorm warning kaninang tanghali ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA) kasunod ng patuloy na paglapit sa kalupaan ng tropical storm Lawin.

Batay sa pinakahuling ulat ng Pagasa, lalo pang lumakas ang naturang sama ng panahon na huling namataan na nasa silangang bahagi ng Bicol Region sa layong 600 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng storm Lawin ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna, habang may pagbugso itong 90 kilometro bawat oras.

Bahagya namang bumaba ang direksyon nito at tinatahak na ngayon ang pakanluran timog kanlurang takbo sa napakabagal na 11 kilometro kada oras.

Kung mananatili ang kasalukuyang takbo nito, maaari nitong hagipin ang ilang bahagi ng Eastern Luzon, bagama’t may mga pagtaya naman ang ibang ahensiya na hindi ito tuluyang tatama sa kalupaan ng ating bansa.

Pero tumama man o hindi ay makaka-apekto pa rin ito sa Luzon region dahil sa dalang ulan na may 10 hanggang 20 milimetro kada oras na pagbuhos ng ulan.

May diameter naman itong 600 kilometro na maituturing na malawak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply