Bagyong Lawin, walang malaking pinsala na iniwan

WALANG masyadong iniwang pinsala ang pananalasa ng bagyong Lawin sa bansa.

Ganito ang naging pagtataya ni NDRRMC Exec. Director. Benito Ramos, lalo na sa bahagi ng Luzon at Visayas dahil tatlong katao lamang ang namatay mula sa Cebu City at Zamboanga.

Hindi rin masyadong naapektuhan ng bagyong Lawin ang sektor ng Agricultura at  imprastraktura.

Ayon pa kay Ramos, malaking bagay ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at disaster response team para maiwasan ang mas malaking pinsala ng bagyo.

Samantala, kahit wala ng bagyo, nagbabala ang NDRRMC sa posibleng epekto ng habagat sa mga nakatira sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Metro Manila gayun din sa Cagayan Valley, rehiyon ng Ilocos, Cordillera

Kaugnay nito tuluyan nang nakalabas ng bansa ang bagyong Lawin na may international name na Jewalat sa Philippine Area of Responsibility papunta sa katimugan ng Japan.

Kahit inalis na ng PAGASA ang lahat ng storm signal, pinayuhan pa rin ng ahensya ang mga mangingisda sa Ilocos Region hanggang Cagayan at Aurora na huwag munang pumalaot dahil sa patuloy na malalaking alon na mararanasan dito.

Samantala, patuloy namang makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang na nga ang Metro Manila dahil sa epekto ng habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply